Saturday, July 19, 2014

Ang globo ay isang bagay na hugis pabilog na ginagamit upang gawing modelo na ating mundo. Samantalang ang mapa ay patag na larawan na ginagamit upang isalarawan ang isang bansa, kontinente, o ng kahit anong lugar sa isang pinaliit na sukat ayon sa paglalarawan ng nasabing lugar.press ctrl+w to see the globe and map 

Mailalarawan ang daigdig sa dalawang paraan: ang paggamit ng globo o maging ang paggamit ng mapa. 
Ang Mapa ay isang patag na paglalarawan sa daigdig. Gawa ito sa papel at sa kaitaasan ay matatagpuan ang isang Compass Rose na nagtatala o tumutukoy ng mga direksyon samantalang ang Globo naman any isang bilog na replika sa daigdig. makikita rito ang bawat kontinente sa tamang ayos na makikita sa mundo. Katatagpuan din ito ng iba't ibang guhit pahalang at patayo na kung tawagin ay Longhitud at .

Mga bahagi ng globo

  1. Ekwador - ito ang humahati sa globo sa dalawang magkasinlaking bahagi - ang hilaga at timog hatingglobo. Matatagpuan ang ekwador sa panuntunang 0°. Ito ang tinuturing na pinakamahaba sa lahat ng latitud. Ang ekwador ang bahagi na pinakamalapit sa araw kung kaya't mainit sa panig na ito ng daigdig.
  2. Latitud - ito ang mga guhit na paikot sa globo na kahanay ng ekwador. Ang mga guhit na ito ay kanluran papuntang silangan. Ginagamit din ito sa pagsukat ng layo ng isang lugar, pahilaga at patimog mula sa ekwador.
  3. Longhitud - ito ang mga patayong guhit na naguugnay sa pulong hilaga at pulong timog. Kahanay ito ng punong meridyano at gingamit sa pagsukat ng layo ng isang lugar pasilangan at pakanluran mula sa punong meridyano.
  4. Punong Meridyano - matatagpuan ang guhit na ito sa panuntunang 0°. Tinatawag din itong Greenwich dahil naglalagos ito sa Greenwich, Inglatera.
  5. Internasyunal na Guhit ng Petsa (International Date Line) - matatagpuan sa 180° meridyano. Sa bahaging ito nangyayari ang pagpalit ng petsa atoras.
  6. Grid o Parilya - ito ay nabubuo kapag pinagsama o nagkatagpu-tagpo ang guhit latitud at guhit longhitud.
  7. Hilagang Hating Globo - ang itaas na bahagi ng ekwador.
  8. Timog Hating Globo - ang ibabang bahagi ng ekwador.
Tatlong malalaking pangkat ng latitud:
  1. Mababang Latitud
  2. Gitnang Latitud
  3. Mataas na Latitud
Natatanging guhit sa mukha ng globo:
  1. Ekwador
  2. Tropiko ng Kanser
  3. Tropiko ng Kaprikorn
  4. Kabilugang Artiko
  5. Kabilugang Antartiko  

http://tl.wikipedia.org/wiki/Globo






7 comments:

  1. Tunay na kapakipakinabang ang kaalaman n iyong ibinahagi

    ReplyDelete
  2. Blogger ka na bigyan ng jacket!!!

    ReplyDelete
  3. Gambling in the United States - Dr.MCD
    Learn about gambling 태백 출장안마 in the United 전주 출장안마 States from our research 고양 출장마사지 and resources. Learn about 여수 출장샵 gambling in the United States and 대구광역 출장마사지 search for a better choice. Learn about gambling in the

    ReplyDelete