Mailalarawan ang daigdig sa dalawang paraan: ang paggamit ng globo o maging ang paggamit ng mapa.
Ang Mapa ay isang patag na paglalarawan sa daigdig. Gawa ito sa papel at sa kaitaasan ay matatagpuan ang isang Compass Rose na nagtatala o tumutukoy ng mga direksyon samantalang ang Globo naman any isang bilog na replika sa daigdig. makikita rito ang bawat kontinente sa tamang ayos na makikita sa mundo. Katatagpuan din ito ng iba't ibang guhit pahalang at patayo na kung tawagin ay Longhitud at .
Mga bahagi ng globo
- Ekwador - ito ang humahati sa globo sa dalawang magkasinlaking bahagi - ang hilaga at timog hatingglobo. Matatagpuan ang ekwador sa panuntunang 0°. Ito ang tinuturing na pinakamahaba sa lahat ng latitud. Ang ekwador ang bahagi na pinakamalapit sa araw kung kaya't mainit sa panig na ito ng daigdig.
- Latitud - ito ang mga guhit na paikot sa globo na kahanay ng ekwador. Ang mga guhit na ito ay kanluran papuntang silangan. Ginagamit din ito sa pagsukat ng layo ng isang lugar, pahilaga at patimog mula sa ekwador.
- Longhitud - ito ang mga patayong guhit na naguugnay sa pulong hilaga at pulong timog. Kahanay ito ng punong meridyano at gingamit sa pagsukat ng layo ng isang lugar pasilangan at pakanluran mula sa punong meridyano.
- Punong Meridyano - matatagpuan ang guhit na ito sa panuntunang 0°. Tinatawag din itong Greenwich dahil naglalagos ito sa Greenwich, Inglatera.
- Internasyunal na Guhit ng Petsa (International Date Line) - matatagpuan sa 180° meridyano. Sa bahaging ito nangyayari ang pagpalit ng petsa atoras.
- Grid o Parilya - ito ay nabubuo kapag pinagsama o nagkatagpu-tagpo ang guhit latitud at guhit longhitud.
- Hilagang Hating Globo - ang itaas na bahagi ng ekwador.
- Timog Hating Globo - ang ibabang bahagi ng ekwador.
Tatlong malalaking pangkat ng latitud:
- Mababang Latitud
- Gitnang Latitud
- Mataas na Latitud
Natatanging guhit sa mukha ng globo: